Tuesday, September 16, 2008

Toni Gonzaga reunites with Vhong Navarro in "My Only U"

Nagulat si Toni Gonzaga nang makarating sa kanya ang pag-amin ni Vhong Navarro sa naging feelings nito towards her. Muntik na ring ligawan ni Vhong si Toni noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nawawala ang feelings sa kanya ng leading man niya sa My Only U ng Star Cinema.

"Eto naman si Vhong, kung anu-ano ang pinagsasabi!" natatawang umpisa ni Toni sa PEP. "Ano yung kay Vhong, siya kasi yung unang-unang naging close ko sa ABS-CBN. Kasi nung nasa ABS na ako, siya na yung unang-una kong nakakasama dito. Sa kanya pa kumuha ng number si Luis [Manzano]. Oo, totoo yun. Talagang siya yung  pinaka, kapag may nanliligaw noon dati, kay Vhong muna nila itatanong.

Was there a time ba na na-in love din siya kay Vhong?

"Dahil super close namin na parang, ‘Ay, gumagaan ang loob namin sa isa't isa.' Pero kasi yun ang lagi kong sinasabi na kapag si Vhong ang kasama  mo, parang hindi ko maseryoso yung mga pangyayari. Parang nakakatawa lagi. So, magtatawanan na lang kayo. Hanggang eventually, lumapat kami doon sa stage na ano, friendship talaga," lahad ni Toni.

Kung niligawan ba siya ni Vhong ay sasagutin ito ni Toni?

"Ah, hindi marunong manligaw si Vhong, e. Ang alam ko, hindi siya marunong manligaw!" pambubuko ng dalaga.

Kumusta naman ang working relationship nila ni Vhong after three years na huli silang nagkasama sa D' Anothers?

"Ay, hindi nagbago! Ganun pa rin kami ni Vhong. Hindi nagbago dahil lagi kaming nagkikita sa ASAP."

May  pagdududa ang iba na kaya raw ibinalik ang tambalan nila ni Vhong dahil masyado nang involved kay Anne Curtis ang leading man niya sa three consecutive movies na ginawa niya na si Sam Milby. Ano ang masasabi ni Toni rito?

"Hindi kasi, ganun naman talaga yun, di ba? Hindi naman kailangang lagi kang ma-identify sa isang love team. ‘Tsaka hindi rin naman din natin masasabi kasi, baka who knows in the future, gumawa ulit kami ng movie. Pero for now, nagko-concentrate muna kami with Vhong. ‘Tsaka si Vhong naman ang original na naka-partner ko," paliwanag niya.

Pero matagal daw bago sila pinagtambal ulit ni Vhong, unlike Sam na sunud-sunod ang pelikula nila.

"Oo, dahil kasi siguro talagang nagustuhan ng tao yung ano namin ni Sam," sabi ni Toni. "Na meron talaga kaming malaking ano, fan-based. So, ‘ayun, nagustuhahn talaga nila and we're very thankful for that. Hindi naman namin kinakalimutan ang suporta nila."

Kumusta naman sila ng boyfriend niya na si Direk Paul Soriano?

"Ay, okey naman, direktor pa rin siya!" biro ni Toni. "Naku, huwag na nating pag-usapan si Direk. Hindi siya kasali sa movie. Nung My Big Love, hindi ko rin siya pinag-usapan. Kasi ayaw ko nung may pelikula ako, nadadamay siya kasi hindi naman siya kasama sa pelikula."

Sino ang My Only U sa buhay niya?

"Sa pelikula si Vhong. Sa personal, ay, kilala mo na ‘yon! Alam mo na ‘yon!" sabi sa amin ni Toni.

Kakabugin ba nila ni Vhong ang tandem nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, na huling idinirek ng direktor ng movie nila na si Cathy Garcia Molina sa A Very Special Love? May sun dance portion din ba siya sa movie?

"Hindi ko nga alam, baka tribal dance!" tawa niya. "Hindi, hindi ko alam. Siyempre, wala naman kaming gustong taubin na kung ano dahil iisang film outfit lang kami. Isa lang ang pinagtatrabahuan namin, which is Star Cinema. We're just really thankful na nabibigyan kami ng opportunity ni Vhong na kahit papano masimulan ang movie namin this year."

May pressure ba sila na napi-feel dahil galing sa isang blockbuster movie ang pinagsamahan nila ni Vhong at box-office director naman si Cathy?

"Si Direk Cathy, I think sa dalawang pelikula na ginawa namin—and this is my third with her—she knows kasi how to handle pressure."

What about her?

"Oo, siyempre ganun na rin. Nasanay ka na rin dahil hindi lang naman sa pelikula, e. Kahit sa mga shows na ibibigay sa ‘yo, may pressure talaga ‘yon. Ano siguro, instead of focusing sa pressure, ini-enjoy na lang namin yung trabaho, yung working relationship, yung camaraderie. Kasi magaan sa set, masaya, walang iringan, walang tensiyon masyado," pagtatapos ni Toni.

Wednesday, September 10, 2008

Toni Gonzaga on Faces, Voices & Bodies @ Zirkoh

Zirkoh Timog together with Lucida-DS, Vaniderm and CardioPlus present a night of Faces, Voices & Bodies @ Zirkoh on Thursday, August 14, 2008, 10:00pm. Catch Gabby Concepcion and Toni Gonzaga live with the special participation of Valerie Concepcion and Joross Gamboa.

The show will also feature the following performers: Baywalk Bodies, Raphael Martinez, Eleoner G., Lex Lopez together with Yellow Milano, Trisha Gayod, Kobe Bryant Yulo, Kaye HiƱola, Jmore, Camille Tarray, Mo Jack, Garry Esguerra, Princess Mampusti and Pinky Fernandez.

For ticket inquiries, please call 09236491784 & 4674088. Tickets are available @ Zirkoh, Timog.